Multo Lyrics
- Genre:World Music/Folklore
- Year of Release:2023
Lyrics
Minsan ako'y parang tuod naninigas parang tanga
Sa utak umiikot, parang eksena sa pelikula
Nakaraang pangyayari, ginugunita't binabalikan
Nabaon na nang panahon, bakit di kayang malimutan?
Ano bang problema mo?
Sino ka ba sa buhay ko?
Ba't ba hanggang ngayon
Sumusulpot ka pa rin sa isipan ko?
Pwede bang tigilan na inday?
Para kang ipis di namamatay
Ba't ba hanggang ngayon
Ako'y iyong minumulto?
Multo
Minsan ako'y nagtatanong, minsan ako'y nagtataka
Bakit nandyan ka pa, nagwakas na ang ating kabanata
Anong kailangan kong gawin? Ano bang pwede kong magawa?
Mapalayas lamang ang multo sa aking isipan
Ano bang problema mo?
Sino ka ba sa buhay ko?
Ba't ba hanggang ngayon
Naglalaro ka pa rin sa isipan ko?
Pwede ba tigilan na inday?
Para kang ipis di namamatay
Ba't ba hanggang ngayon
Ako'y iyong minumulto?
Multo
Ikaw rin ba'y minumulto? Ikaw rin ba'y ginugulo?
Magkasabay ba tayo nagmumultuhan?
Ikaw rin ba'y minumulto? Ikaw rin ba'y ginugulo?
Pwede bang kalimutan na natin ang nakaraan?
Ano bang problema mo?
Sino ka ba sa buhay ko?
Ba't ba hanggang ngayon
Sumasayaw ka pa rin sa isipan ko?
Pwede bang tigilan na inday?
Para kang ipis di namamatay
Ba't ba hanggang ngayon
Minumulto mo pa rin ang buhay ko?
Na-aamoy ko pa rin halimuyak mo
Nakahubad ka pa rin sa utak ko
Multo
Multo
Multo