![Kumusta Pasko Mo](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/11/17/a24a284e50be4f648b868c3d573a20e4_464_464.jpg)
Kumusta Pasko Mo Lyrics
- Genre:Holiday
- Year of Release:2022
Lyrics
Ooh
Christmas tree na gawa-gawa
Parol na kartolina at buntot na papel na ginupit-gupit pa
Simpleng handaan sa noche buena
At kwentuhan hanggang umaga
Pinaghalong amoy, puto bungbong at bibingka
Triangulong paputok, at suman de lihiya
Huwag lang pagsamahin, magdidikit sila
Nang hindi pumutok sa daliri ni Kuya
Di na maibabalik ang ganitong pasko
Ikaw, kumusta ang pasko mo
Sana ay masaya pa rin
Kahit marami nang nagbago
Kumusta ang pasko mo
Kanyong gawa-gawa
Sa simpleng kawayan
Kalburo ang gamit, palakasan ang labanan
Samantalang may nangyayaring sayawan
Sa kabilang bakod, sa may basketbolan
Di na maibabalik ang ganitong pasko
Ikaw, kumusta ang pasko mo
Sana ay masaya pa rin
Kahit marami nang nagbabago
Kumusta ang pasko mo
Kumusta pasko mo
Aah, ooh
Di na maibabalik ang ganitong pasko
Ikaw, kumusta ang pasko mo
Sana ay masaya pa rin
Kahit marami nang nagbago
Kumusta ang pasko mo
Kumusta ang pasko mo
Kumusta pasko mo