
Ako Si Juan Lyrics
- Genre:Reggae
- Year of Release:2023
This song is not currently available in your region.
Lyrics
Ako si Juan katulad ng karamihan
Sanay sa tunay na kahirapan
Salat sa salapi
Walang sariling tirahan
Isang kayod isang tuka
Upang magkalaman ang tiyan
Kalyo sa kamay dumi sa aking mga paa
Sa ilalim ng init ng araw akoy nasanay na
Isang alipin ng hindi patas na lipunan
Kung saan naghahari ang mga mayayaman
Ako ako si Juan
Ang madalas na inyong tinatapakan
Ako ako si Juan
Ang dahilan kung bakit kayo yumayaman
May mga panahong nanghihingi ng simpatya
Naniniwala at nagtitiwala naman kami sa kanila
Umaasang maiihon sa kahirapan
Paglipas ng panahon ganoon parin ang aming kalagayan
Iba ang halaga hanggat may pakinabang ka
Malalaman mo ang totoo kapag naubusan na
Nagtatago sa dilim mga tiradang pailalim
May mga ngiti sa mukha habang hinihila ka pababa
Pare-parehas lang naman tayo
Na nais mabuhay na buo ang prinsipyo
Ang nangangarap ng buhay na masagana
Kailan kaya natin maawit ang kantang
Tayo tayo ay si Juan
Ang nagkakaisang bayan
Tayo tayo ay si Juan
Kung saan nabubuhay kame sa kapayapaan
Tayo ay si Juan
Tayo ay si Juan
Tayo ay si Juan