
Kislap Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2022
Lyrics
Sa milyong mga bituin
Na yinayakap ng dilim
Wala ni isang
Nakahigit sa ningning
Ng 'yong mga mata
Sa paghampas ng mga alon
Sa pagkumpas ng mga dahon
Kasabay ng pag-ihip ng hangin
Ang pag sambit sa panalangin
Na sana ay ikaw lagi ang kasama
Sa t'wing bumababa ang mga tala
Na tila pag patak ng ulan
Sa mistulang pagluha ng langit sa gabi
Nagdiwang ang pusong hindi mapakali
Liwanag na hinanap
Natagpuan sa'yong mga
Ngiti mo palang
Lumiwanag na ang buwan
Sa liwanag na dala ng ningning ng 'yong mata
Ako'y na tulala
Sa paghampas ng mga alon
Sa pagkumpas ng mga dahon
Kasabay ng pag-ihip ng hangin
Ang pag sambit sa panalangin
Na sana ay ikaw lagi ang kasama
Sa t'wing bumababa ang mga tala
Na tila pag patak ng ulan
Sa mistulang pagluha ng langit sa gabi
Nagdiwang ang pusong hindi mapakali
Liwanag na hinanap
Natagpuan sa'yong mga ngiti
(Kailangan kita) Sana ay ikaw lagi ang kasama
(O aking sinta) Sa t'wing bumababa ang mga tala
(Wala nang iba) Na tila pag patak ng ulan (Ikaw lang sinta)
(Kailangan kita) Sa mistulang pagluha ng langit sa gabi
(O aking sinta) Nagdiwang ang pusong hindi mapakali
(Wala nang iba) Liwanag na hinanap
(O aking sinta) Natagpuan sa aking tabi