
Ibulong Mo Lang sa Hangin ft. Elaine Aliga Ricafort & Noel Cruz Lyrics
- Genre:Gospel
- Year of Release:2022
This song is not currently available in your region.
Lyrics
Ibulong Mo Lang Sa Hangin
Verse 1:
Nangangamba, ‘di alam ang gagawin
Nababahala sa mga lihim mo’t hinaing
Nababalisa, di alam ang tatahakin
Nalilito sa hangari’t mithiin
Chorus 1:
Ibulong mo lang sa hangin
Bigat ng ‘yong loob sa ’ki’y sabihin
Magtiwala ka, ibulong mo lang sa hangin
H’wag, h’wag kang manimdim
Sa pag-alaga Ko’t kalinga
Sa pag-ibig Kong dakila
Maniwala ka, maniwala ka
Verse 2:
Iduduyan lungkot at luha’y papawiin
Iaangat kapayapaan ng damdamin
Itataas mga habilin mo’t dalangin
Ililipad patungo sa Aking landasin
Chorus 2:
Ibulong mo lang sa hangin
Bigat ng ‘yong loob sa ’ki’y sabihin
Magtiwala ka, ibulong mo lang sa hangin
H’wag, h’wag kang manimdim
Sa pag-alaga Ko’t kalinga
Sa pag-ibig Kong dakila
Bridge:
Ama mo Akong mahabagin
Kalooban mo’y pagagaanin
Lahat ng suliranin
Sa huli matatapos din
Chorus 3:
Ibulong mo lang sa hangin
Bigat ng ‘yong loob sa ’ki’y sabihin
Magtiwala ka, ibulong mo lang sa hangin
H’wag, h’wag kang manimdim
Chorus 4:
Ibulong mo lang sa hangin
Bigat ng ‘yong loob sa ’ki’y sabihin
Magtiwala ka, ibulong mo lang sa hangin
H’wag, h’wag kang manimdim
Sa pag-alaga Ko’t kalinga
Sa pag-ibig Kong dakila
Maniwala ka, maniwala ka
Maniwala ka, ibulong mo lang sa hangin