![Intro](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/02/25/2f2352e5f6154c0aa2f88a835ce56e7e_464_464.jpg)
Intro Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Bigla ng nag iba ang ihip ng kapalaran
Mas lintik pa sa hagupit ng pagyanig sa tagbilaran at
Dumanas ng pagkaapi lugmok na ng mamalayan
Na nawala na pati yung tarik ng bundok ng kayabanga at
Pinasok nila ko sa kung anong lugar na di ako nababagay
Inihanay nila yung leon sa hayop na kinakain lang ay halaman
At ang oras na mala pagong habang ang pag iisip ko'y tangay
Nang sarili ko na imahinasyon na kasama ka nako patay
Gusto man maipaliwanag sakanila kung anong silbi netong gamot
Iba lang maipapadama sakalina bibigyan mo ng eksplenasyon
Kaya kung maipapasa ay kasali ka na magdiwang kung ika'y takot
Dun lang na maipapasakatuparan na kapayapaan ay maialok
Tsumamba lang ba talaga?
O pinalo na nga ng ama o baka oras ko na nga na madama ang kasalungat ng aking pagsasaya
At tuluyan na ngang inilubog ang araw kasabay nang hindi niyo pagdalawa
Sa kwadradong bato eto lang dala ko ang hindi ako dito papanaw