
siguro talagang ganyan ft. EMORAIN Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2022
Lyrics
Nagsimula sa konting paguusap
Di inakalang lalalim nang ganito
Tatlong buwan ang lumipas, wala paring nagbago
Pinipilit ang sarili na wala lang to, oh
Bakit ba ganyan?
Di mapigilan ang nararamdaman
Hindi sinasadya na mahulog sa iyo
Puro ikaw ang naiisip ko
Nahulog na yata sa iyong ngiti
At nung ika'y umawit, sa boses mo na rin
Di naman inasahan
Pero di na rin matago
Ang sinisigaw ng puso
Siguro talagang ganyan
Di na pinigilan ang nararamdaman
Hindi sinasadya, pero nahulog na sayo
Puro ikaw ang naiisip ko
Bakit ba nananatili sa iyo ang puso ko?
Kahit na anong sabihin ay hindi nagbabago
Siguro talagang ganyan
Dahil sinabi mong kailan pa man
Nandito ka
Ngunit ngayo'y wala ka na at alaala na kasama ka
"Baka hindi para satin, baka di pa ngayon
Siguro talagang ganyan"