Mensahe Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2022
Lyrics
Alam kong minsan nagtataka sa mundong ito
Mga hakbang ay tama ba
Di mo mawari kung may patutunguhan ang iyong paglalakbay
Ngunit sana'y wag ka lang makalimot
Bumalik ka, makikita ang sagot
Lugod, sa'yo binalot
Magmula sa unang tapak mo, di ka na mag-isa sa takbo
Pighating hinding hindi maikaila
Sa tuwing may saglit sandalan mo'y di makita
Ngunit sana'y wag ka lang makalimot
Bumalik ka, makikita ang sagot
Lugod, sa'yo binalot
Magmula sa unang tapak mo, di ka na mag-isa sa takbo
At kung mapagod, di masamang humimpil, huminga
Ito ay hindi isang karera
Panahon nati'y di iisa
Di mapapangakong madali ang magiging landas
At kung madukdok kamay nya'y antabay hanggang wakas
Sa saglit na pagkalumbay, mata ay imulat
Pagmasadang mabuti na ang dulo'y nasa tapat
Lugod, sa'yo binalot
Mag mula sa unang tapak mo, di ka na mag-isa sa takbo
At kung mapagod, di masamang humimpil, huminga
Ito ay hindi isang karera
Panahon nati'y di iisa
Panahon nati'y di iisa
Ang panahon nati'y di iisa