
Maghihintay Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2022
This song is not currently available in your region.
Try the alternative versions below.
Alternative versions:
Lyrics
Simula pa lang ng istorya ay
Nabihag na ako sa `yong mata
Para bang ikaw lang ang pupuno
Ng kulang sa buhay ko, sinta
Ikaw lang ang aking panalangin
Kahit sa`n pa `ko makarating
Maghihintay ako
Kahit parang malabong maging tayo
Maghihintay ako
Sasamahan ka hanggang sa `ting dulo
Dahil hindi napapagod
Ang pusong handa nang
Umibig ng kusa kahit mag-isa pa
Dahil mahal kita
Maghihintay, maghihintay ako
Ikaw ang dahilan ng aking mga ngiti
Na hirap na itago ‘pag nariyan ka na
Kung hindi rin ikaw ang kasama
`Di bale nang tumanda ‘kong mag-isa
Dahil tahanan ko ang bungisngis ng `yong mukha
Ikaw lang ang aking panalangin
Kahit sa`n pa `ko makarating
Maghihintay ako
Kahit parang malabong maging tayo
Maghihintay ako
Sasamahan ka hanggang sa `ting dulo
Dahil hindi napapagod ang pusong handa nang
Umibig ng kusa kahit mag-isa pa
Dahil mahal kita
Maghihintay, maghihintay ako
Balang araw ang pagsubok nating nagdaan
Kusang babalikan ng ngiti habang tayo`y
Nasa sulok ng ating tahanan
Kapiling ang bunga ng ating pagmamahalan