
next life. Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Sumambulat ang mga tanda ng yong halimuyak na
Paalala ng nakaraang
Unos na kay ganda na 'di ko malimutan tila ba nakatatak parin sating kaisipan
Sa tagpuang nagmistulang paraiso at langit parang ayaw na kitang pakawalan
Kay tagal ko ng hinihiling itong mga sandali na ngayon ako'y napagbigyan
Hindi alam kung pano
Pano babalik sayo
Hindi alam kung ano
Ano ang tinatago
Kaya sabihin mo na sakin ano bang kinakailangan kong gawin para
Iyong patawarin baby kung ayaw mo naman ay wala na ako dyang magagawa
Laging namimiss, yeah
Sana'y di ka umalis, yeah
Masyadong mabilis, yeah
Napaltan dating tamis, yeah
Salamat sa iyong naipadama, ha
Kita nalang tayo next time
Bawi nalang ako next life
Tumitirik nanaman ang inang araw, handa na ang pamunas sa luha ko ngayong gabi
Nakatingala sa langit mga panalangin na sana ikaw pa'y akin pa na katabi
Sinubukan na lahat ng paraan para mabawasan naman ang aking hinanakit
Kay tagal kong nangulila sa pagibig iniisip ko kung kailan ba ulit makakamit
Hindi alam kung pano
Pano babalik sayo
Hindi alam kung ano
Ano ang tinatago
Alaala ng kahapong nakalipas pinipilit ko ng ibaon sa limot para
Maibsan ang sakit na dinulot ng pagibig na nagiwan sakin ng mga marka
Laging namimiss, yeah
Sana'y di ka umalis, yeah
Masyadong mabilis, yeah
Napaltan dating tamis, yeah
Salamat sa iyong naipadama, ha
Kita nalang tayo next time
Bawi nalang ako next life
Bagamat lumipas na nga ang ilang mga buwan
Alalang alala parin sa puso ko na may puwang
Dumadating ang oras na ang isip koy nakalutang
Nababahala parin na baka tuluyan mo na akong kinalimutan
Kinikikilabutan, pag naririnig ang pangalan
Di maisawan na maituring na ikaw ang napagkamalan
Niloloko nalang ang sarili, Ito'y pagbabakasakaling
Maibsan naman ang kalungkutan na nararamdaman
Hindi alam kung pano
Pano babalik sayo
Hindi alam kung ano
Ano ang tinatago
Laging namimiss, yeah
Sana'y di ka umalis, yeah
Masyadong mabilis, yeah
Napaltan dating tamis, yeah
Salamat sa iyong naipadama, ha
Kita nalang tayo next time
Bawi nalang ako next life
Kita nalang tayo next time
Bawi nalang ako next life