Panandalian Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Ma'am Sir, kamusta na ba? may panahon ka paba sa ating Ama
Balita ko di kana nagsisimba, Trabaho walang time ano pang iba
Mong dahilan, may plano pa ba? saka na ba? kapag yumaman ka na
Papaano kung hindi kana umabot pa doon
Paano na kaligtasan pagdating ng panahon
Handa ka na bang umaray ng walang katapusan, kahit magsisi ka man
Maraming rason, kesyo nag dadasal, naman daw madalas bago mag almusal
May nag sabing mas masahol pa ang ibang nagsisimba
Pero wala karin namang pinag-iba sa kanila
Anong silbi ng dasal kung di rin sa puso
Nanggaling panalagin ay sinasaulo
Antok kadalasan pag religious na naman ang topic
Pag humiling sa taas gusto agad-agad na para bang magic
Nakaka-alala ka lang naman pag may problema ka at nag papanic
Wala na ang bible, puro social media pati sa laro ay naa-adik
At kapag nasasaktan, sa halip na mag dasal
Yung iba lak-lak ng alak yung iba patiwakal
Marami ang natutukso at nalilito kaya payo lang to kapatid
Bangin ang buhay si God ang tulay natatanging daan para makatawid
Di mo ba ito naisip
Buhay natin ay panandalian lang
Wag mong hayaang magsisi sa huli
Tandaan ang kaligtasan ay hindi nabibili
Di mo ba ito naisip
Buhay natin ay panandalian lang
Wag mong hayaang magsisi sa huli
Tandaan ang kaligtasan ay hindi nabibili
Pag usapang kamatayan, yung iba takot mapag usapan
Takot magkatotoo o takot sa salitang katotohanan
Ang buhay natin ay kontrata, pagkat ito ay may hangganan
Walang sino mang makakapigil, pag oras na ng kamatayan
Kaya kailan ka pa magigising, saka na ba? pag di ka na magising
Masarap talagang gumawa ng mali pero masaklap sa bandang huli
Ang buhay natin ay isa lang, wag mo naman sana isa walang
Bahala na si Batman paano na yan kung bukas bigla ka nalang lagutan
Ng hininga, handa ka na ba? pagkakamali mo'y naitama na ba
Pagsisi, nagawa mo naba
Baka taas noo kapang nakagawa ng masama
Masamang damo daw na matagal mamatay
Pero mas kawawa ka kung masamang damo ka mamatay
Mga kayamanan ng kasamaan ay hindi mo yan mapapakinabangan
Hindi ito paghuhugas kamay, maging ako ma'y makasalanan
Pwede mong tawanan at hayaan pero ito ang katotohanan
Marami ang natutukso at nalilito kaya payo lang to kapatid
Bangin ang buhay si God ang tulay natatanging daan para makatawid
Di mo ba ito naisip
Buhay natin ay panandalian lang
Wag mong hayaang magsisi sa huli
Tandaan ang kaligtasan ay hindi nabibili
Di mo ba ito naisip
Buhay natin ay panandalian lang
Wag mong hayaang magsisi sa huli
Tandaan ang kaligtasan ay hindi nabibili
Di mo ba ito naisip
Buhay natin ay panandalian lang
Wag mong hayaang magsisi sa huli
Tandaan ang kaligtasan ay hindi nabibili