
Goal Digger Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
This song is not currently available in your region.
Try the alternative versions below.
Alternative versions:
Lyrics
Payaman payaman
Payaman payaman
Payaman payaman
Pag sinabi ko na kaya mo
subukan mo
Wag mong uurungan ang mga problema mo
Pipilitin mong tibayan na parang bato
Kayang kaya ko! Kayang kaya mo!
Kung sino pang mapuputak yun ang walang alam
kaya huwag kang magpa apekto sa kung sino lang
Isa ako ngayon sa tinaguriang
Goal Digger! Goal Digger!
Yung babae na maangas ako yun
Yung parang di na kumukupas ako yun
Yung susunod mong hahangaan Ako yun
Walang iba Walang iba (Ako yun!)
May istorya na kong sinusulat para sayo
Pakinggan mo lang ng pakinggan hanggang mapansin mo
Kung sino ba talagang dapat na sinusundan mo
Walang iba kundi yan lamang na sarili mo
Wag kang palagi nagbabase lamang sa iba
Dahil hindi mo rin alam kung tunay ba sila
Kung sino pang kunsintidor minsan ay target ka
Kaya wag kang basta bastang nagtitiwala ha.
Ang sarap sarap kumita ng pera diba
Lalo kung limpak limpak ang salapi mo pa
Hindi na uso mga puro payabangan na
Kung sinong mataas yun lamang ang sinasamba
Respeto sa isa't isa yun ang mahalaga
Yun din ang susi para maging matagumpay ka
Kaya iwasan ang palagi na magkumpara
Dahil hindi na uubra yung utak pang tanga
Isa ako sa tao na tamad na stress
Tunog kakaiba bihira lang mag flex
Diskarte ko hinding hindi niyo magegets
Yung pero ko palagi lagi lang may next
Ooopsss
Yung ipon ko parang walang isang milyon
Pero alam ko na makakamit ko yun
At gagamitin ko lahat ng magic don
Wag kang malilito kasama ka din don
Bibili ako ng bahay na may kotse pa
May studio at de aircon mga kwarto na
Bagong bago ang lahat may mga bonus pa
Ang problema ay walang wala kong pera pa
HAHA!
Ang saya sayang mabuhay basta't nandyan siya
Yung kasama mo sa hirap pa ginhawa na
Yung pamilya mo palagi mong isama pa
Sila ang dahilan kung bakit tumitibay ka
Yung mga naiwan yun ang isasama ko
Yung mga lumisan ay salamat sa inyo
Hindi ako mabubuo lamang ng ganito
Kundi sa tulong tulong na kasama pa kayo
Sa mga barkada ko na laging busy na
Hindi ako magtatampo dahil ramdam kita
Para yan sayo hinahangaan pa kita
Tuloy tuloy mo lang ang laban
Kayang kaya na
Sa mga bulong bulongan pa dyan sa tabi
Itigil niyo na yan malapit na hating gabi
Baka bumanda banda ang yong pinagsasabi
Hindi ko kasalanan kung tamaan ka kasi
Masamang magsalita parang paos
Kundi ka sigurado wag mo ng ipost
Magkakasala ka lang dyan sure nako boss
Dagdag pa yan sa problemang hindi magtatapos