Lihis ft. Carlo Campit Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2022
Lyrics
Ang ating halpok na pamahalaan
Ay binubuo ng mga tulisan
Sila'y hindi tunay
Sila'y pumapatay
Habang si kamatayan ay
Naglalakbay
Ang mahal niyong bansa'y
Inyong pinabayaan
Palakpak, palakpak
Ang bansa'y pumapalpak
Sumigaw, sumigaw
Habang tayo'y humihiyaw
Palakpak, palakpak
Ang bansa'y pumapalpak
Kinagagalak na pakyuhan tong alagad lang din ng tuta
Saksakin sa tulis ng katotohanang bibihirang
Mahagilap sa pugad at sugatan na laylayang pinagpapasa
Pasahan ng gahaman sa yaman
Si kamatayan rumo ronda nakatutok saatin
At sila sila lang din ang humahawak sa karit
"Pinapangako sainyo ako sagot sa pasakit"
Dekada nang sinasampay yang sablay na talumpati!
Kaya naman isigaw isigaw! Wag hahayaang bumara ang lalamunan!
Alikabok ng pagbabago'y malabong dumapo
Kung ang kabila na dako'y puro trapo ang pamunas!
Alam niyo ba na ang sarap niyong batikusin kasi yan ang nararapat!
Sa likod ng salapi, ang lahat nagkakandarapa
Para paradang paraan sapilitang pinapasada
Ngunit salinlahing masa'y di na kaya pang lumapa
Ang basura ng basura, ang lagay ay kritikal
Kung pag usad ang usapan, di mahuli kriminal
Baka pili ang pag pili ng bagong tutuldukan
O baka pili ang pag pili sa sahig ng kilusan
Ang kakapal ng balat,, buwaya nga kayo
Pero ba't kami pa lagi naka babad sa lawa ng laway niyo?
Pag 'tong tanong nagpa ramdam, may matatapos sa tuldok
At laway niyo na tumigas sainyo'y ipapalunok!
Ng masang pana'y palay ang inaani na galit
Deka-dekadang tinanim sa lupang di magamit!
Gobyerno ng Pinas unang dinig, litaw ang ganid
Kung kauri niyo pa naka toka, matik
Supalpal sa kaunlaran ang bayan na nasa maling kamay
Di katanggap tanggap dito ang kulay ng 'yong budhi
Di na mag aatubiling ikukubli pa kung harap harapang nangyayari't tayo ang saksi
Sa totoo'y
May mas magagawa pa yata kung lumiban na lang kesa
Sa kamangmangan kami ipag lihi
Alalahaning
Chismis na ang history, sabi ng soon to be misis
Ang hindi maniwala ay matik soon to be missing
Pana'y pa garbo ng kinis plastik sa balot ng bihis
Pag ang palakad di malinis, kailangang lumihis PASALIWA!