
RESBAK ft. Shanti Dope, CLR, Omar Baliw & Pricetagg Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
This song is not currently available in your region.
Lyrics
Hindi nila maiintindihan
Dahil ‘di nila alam ang iyong pinagdaanan
Kung ano man ang aming
‘Di namin akalain
Binuhos lang ang sipag na may luha sa pasanin Madami man ang talo
at galos sa mukha ko
Tayo lang, punas at pagpag
kukunin sa tiyaga ko
Ako ay bata na taga
Binangonan mula pa
Noon ay nakahiligan ko na na dumura sa mikropono hanggang sa tuluyan akong mahasa paulit-ulit, inukit pero di namihasa
umasa palibhasa may laway lamang ang ginamit lapit na madagok tugma na nakakakulawit subalit lait na pangit palagi kang pinapatid
di ka makausad dahil napakaraming balakid
‘Di bale na
may pagkakataon ka pa na iba
natutong magpahinga kahit na ‘di nakahiga Kapag ‘di sigurado ‘wag masyadong mabalisa Basta’t sinimulan darating ka sa kabila
Tapos o ‘di tapos
sa abot o kapos
Umawit nang umawit hanggang sa mapaos Tandaan parang utos kandila na ubos
Kapag pwede kang sumikat ay pwede ka ring malaos
Hindi nila maiintindihan
Dahil ‘di nila alam ang iyong pinagdaanan
Galing ng impyerno bago mapunta sa cloud - 9
Isang berdeng lumilinya bago pa ako ma-flat line
Sa karera ‘di tumigil binangga ko na ‘yung stop sign
Lahat magkaka death threat kapag ang hawak ko ay Glock-9
Kahit mainit pinilit sumingit malalim sumisid
Sa bugtong di nagpasirit Kahit mabwisit
Pinilit alay pawis at dugo Sumisirit
kahit lubok di gumilid Sa bangka humihirit
Di masisibat ang daming nagugulat
May paningin pero bulag kaya hindi namulat Paligid puro ahas lumaki ako sa gubat
Inggit ang dahilan ba’t di naghilom mga sugat
Mga walang bilib
Lahat ay umiling
Lahat ay trinabaho ko
Hindi puro hiling
Dami nang nagalit nung ako pa yung may narating I’m the sickest in this game kaya hindi na gumaling
Hindi nila maiintindihan
Dahil ‘di nila alam ang iyong pinagdaanan
Pwede mong isuot sapatos ko sandali
Nang malaman dinaanan, di talaga madali Walang tinapakan derecho lang aking lakad Walang kasiguraduhan pero walang alinlangan
Na sumubok kase alam ko na may mapapala Alam mo san nanggaling kaya walang mawawala Tapos sa ibang lebel pa pla to madadala
Kaya sabi ko kay nanay ay ‘wag na mag-alala
Ako na bahala, tingnan mo anak mo bituwin Simula pa lang lahat, walang balak pahintuin
Sa harang palikuin, sa tama palingunin May mga bagay na dapat itama't balikuin
Alam ko na dahan dahan darating sa nararapat Kung para sa iyo talaga, hindi maaawat Parang kelan lang ngayon lahat, nagbunga na Kung dati nasa dulo, ngayon ay nanguna na
Hindi nila maiintindihan
Dahil ‘di nila alam ang iyong pinagdaanan
‘Di ko pinagdudahan ang aking sarili Sa paghakot ng pabuya ako y nawiwili Jackpot parati, di tulad ng dati
Kita mo ang resulta kahit di ko sinasabi
Gigibain bibiyakin titibagin lahat gagawin
At titiyakin lahat tatawirin sa sagupa parin kahit maraming pating Hanggang sa makarating sa pampang
Ngayon ay nakalutang sa ere sapagkat mahal na ang kada hakbang
Sa lupa/ oh di ba/ madalas nyong inuusisa Tinapos ko na kahit di ako ang nag-upisa/ Nilagari ko ang mapa kahit di ko kabisa/ Palihim paring naggugunita/
At medyo malayo-layo na/
Kumusta na ang mga dating nagdududa/
Bumigat ang timbang dahil sa laman ng bulsa/
Kahit manalo/ o/ matalo/ man sa laro ay dako parin ang akong gugma
Hindi nila maiintindihan
Dahil ‘di nila alam ang iyong pinagdaanan
Di na nila to mapipigilan
Sumugal walang pinagsisihan
Di mo din maalis sa isipan
Sinakal yung rap game pinanggigilan
Na parang yung babaeng malandi
Kasi kung san ako galing ayoko na bumalik
Yung parang basahang damit
Yung parang tadhana galit
Akala nila madali
Nakakasira ng bait yeah
Yung mga panahong hindi ako swinerte Nawalan ng luha sa edad na disinwebe Gininaw yung puso na parang laging disyembre Iba ‘to sa Shanti na nakita mo sa lente Madami-daming pinagpuyatang gabi
Kaharap sa mesa yung panulat kagabi, walang pake Bago kong makuha yung miliyon di madali
Kaya tinawanan ko sila lahat kasi
Hindi nila maiintindihan
Dahil ‘di nila alam ang iyong pinagdaanan