
Salamat Sa'yo Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2022
This song is not currently available in your region.
Try the alternative versions below.
Alternative versions:
Lyrics
Ikaw ang ligaya na hulog ng langit
Nagsisilbing laging gabay sa’n man makarating
Sa higpit ng yakap mo
Pinapawing takot
Laging nariyan ka sa ‘king tabi
Dahil sa ‘yo inay ang pangarap ko’y
Unti-unti ko nang nakakamit
Salamat sa ’yo inay ang pag-ibig mo’y
Walang ibang may kayang dumaig
Ikaw ang liwanag kahit nuon pa man
Salamat sa pangaral kung ‘di paano na
Kahit ano’ng pagsubok
Buo na ang loob
Sa ‘yong gabay ay kaya nang tumindig
Dahil sa ‘yo itay ang pangarap ko’y
Unti-unti ko nang nakakamit
Salamat sa ‘yo itay ang pag-ibig mo’y
Walang ibang may kayang dumaig
Huwag kayong mag-alala
‘Di lilisan sa inyong tabi
Kung ‘di dahil sa inyo lahat ng pangarap ko’y
Paano na kaya makakamit
Pangako sa inyo lahat ng pangaral niyo’y
Laging dala kahit saan
Nakaukit sa ‘king isip
Laging dala sa’n man makarating