Baw Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2022
Lyrics
Napatingin ako sa iyo
Hindi naman inaasahan
Hindi naman sinasadya
Mabuksan ang aking puso
Sa lawak nga naman ng kalawakan
Ikaw ay natagpuan
Nais kong mag-isa
Maglakbay ng walang kasama
Akala'y makakaya
Hindi pala
Mas maganda'ng plano Niya
Gusto Niya'ng tayo'y lumigaya
Binigyan ng pag-asa
Nangyari nga
Ang isang himala, pagpapala
Nung makilala ka
Sa dami kong sablay
Mga palya sa buhay
Biyaya Niya parin
Ang nagtagumpay
Tinanggap mo
Kung sino ako
'Di kailangang magpanggap
Pagkasama ka, ako'y ako
Tinangi mo
Ang pag-ibig ko
Subukin man ng panahon
Ulitin man ang buhay sa mundo
Walang ibang pipiliin
Kundi ikaw
Lungkot at pangamba
Sa ngiti mo lang napawi na
Lahat magagawa
Pagkapiling kita
Oh, isang himala, pagpapala
Ang makasama ka
Ika'y iingatan
Aalagaan
Hanggang sa
Walang hanggan
Laging sa 'yo
Ang puso ko
Sa bawat luha't pangarap
Ako'y kasama mo
Tanging sa'yo
Ang awitin ko
Subukin man ng panahon
Maglaho man ang tinig sa mundo
Walang ibang mamahalin
Kundi ikaw
Laging sa 'yo
Ang puso ko
Subukin man ang pag-ibig natin
Laging nandiyan, Siyang unang umibig sa'tin
Kaya't hindi bibitaw
Ako at ikaw
Sa harap ng ating pamilya
At mga kaibigan
Saksi ang Diyos na makapangyarihan
Laging sasambitin
Tanging ikaw
Tan-tan-taran
Tan-tan-taran
Tan-tan-tara-hahan
Walang ibang pipiliin
Kundi ikaw
Walang ibang mamahalin
Kundi ikaw
Baw...