Ok Pa Lyrics
- Genre:Country
- Year of Release:2022
Lyrics
Maliit na sa atin ang kamang ito
Maliit na sa atin ang kamang ito
Baka naman umurong lang
O lumalaki lang ang ating tyan
Kung ok ka pa dito ay ok lang din ako
Sumisikip na sa atin ang bahay na 'to
Sumisikip na sa atin ang bahay na 'to
Wala nakong space para sa bike ko
Punung-puno na ng mga bags mo
Kung ok ka pa dito ay ok lang din ako
Saan nagsimula ang tinatamasa
Noon walang-wala pero heto mga bunga
Basta ikaw ang kasama
Wala nang mahihiling pa
Walang bagyo, walang gutom
Walang crypto, walang flat na gulong
Walang bibilhin, wala akong babaguhin
Bumibilis na sa atin ang buhay na 'to
Bumibilis na sa atin ang buhay na 'to
Numinipis na ang kilay mo
May mga guhit na'ko sa noo
Kung ok ka pa, ay ok lang din ako
Kung ok ka pa, ay ok lang din ako
Kung ok ka pa, ay ok lang din ako