PASAAMAT Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Nagising
Mula sa bingit ng aking higaan
Nagpasya na magsiga sa aking napiling libangan
Nag isip
Habang nag hihimay pa ng halaman
Aking utak ang napiling paliparan
At lahat ay masilayan
Ang bawat aral na napulot
Sa reyalidad na nagsilbing bangungot
Halata naman sa hubog at hulma ng hinuhugot
Walang sakit sa ulo ang hindi ko pinupugot
Kaya't di pwedeng ikumpara
Saking pagkayod kalabaw
Habang marami ang baka lang ng baka
Gusto ngang itumba pa
Pero malabong umayaw
Hanggat maari ay kasa lang ng kasa
Likas na nga daw sakin ang pagiging mahiyain
Dulot siguro ng kaba't baka pagtawanan
Sa malikot na isip ay malinis naisalin
Sa malayang paglipad ko ay napapalakpakan
Halika't sindihan mo na ang amat kong pinapaikot
Sino man ang abutan, wag sanang makalimot
At masinop mong suriin sinong gusto ka matisod
Habang mundo'y umiikot, hindi to mabibilog
Sindihan mo pa ang amat kong pinapaikot
Sino man ang abutan, wag sanang makalimot
At masinop mong suriin sinong gusto ka matisod
Habang mundo'y umiikot, hindi to mabibilog
Nagising muli
Mula sa kahapong pinangako
Na ngayon ang pag bangon sisimulan
Akala na biruan
Umasang madalian lang manalo
Sa sarili ay nakipag bunuan
Ng braso't pupunuan ang baso
Makuluan pa lalo't matungtunga'y malayo
Sa inakala
At nang masuklian ang pagod
Matiisan ang baho
Tumingalang matayog
Sa pinangarap
Saking madalas na pagbubuntong hininga
May kasabay na pag usok ng purong indica
Sa dinami-dami ng mga gustong maging iba
Ay sari-saring katauhang di napasakanila
Sumubok lang nung una't malunasan ang bagot
Humawak ng mikropono na parang tuta ang tahol
At nalango ng nalango saking tinuring na gamot
At sa kada pagkayari ko'y madaming nalagot
Pupunuan ang baso