Alay Sayo ft. Ash'D Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Na na na na na
Ohh
Gusto lang naman ako'y mapalapit sayo
Pero bakit ganito ika'y lumalayo
Kung pagsubok lang ito'y tatanggapin
Kahit 'di sigurado itutuloy parin itong
Nararamdaman, kahit ako'y takot na
Muli na masaktan, pero ayos lang basta sa iyo lamang
Wag ka na malito, 'di ako lalayo
Dumating man ang lalake na para sayo
Kung inaakala mong aalis
Kaya kitang makita sa iba ngumingiti
Sa tinagal kong nag antay
Sa huli man sumablay
Ang tira kong matagal pinagisipan
Tinanggap ko na aray
Masakit sa umpisa pero bandang huli ay masasanay
Alay sayo, ako ohh
Alay sayo, ako oh
Mananatili ka sa akin
Kahit na 'di 'to bumalik
Pwede mo ko na tawagin
At agad naman ako'y darating
Mga luha'y sawa sa pagpatak
Unti-unti ko na ring tuluyang natanggap
Na di porket mahal kita, ganun narin ang siyang
Dinamadama at 'yong nakikita
Sakit isiping normal ang pagkatalo
Hindi palaging makukuha mong sagot ay oo
Tumaya ng pati pato, binuhos at tinodo
Naging matino't nagbago pero wala parin yung tayo
Kaya hindi na para mag-aksaya
Kung nakikita kong masaya ka
Mahal kita, pero mas mahal mo siya
Wala na ring silbi diba kung hahabulin pa kita
'Di ito ang aking inasahan
Kala ko lahat madadala sa kasipagan
Kaso talagang hanggang don lamang
Ako'y pangsandalan, hindi pangmahalan
Alay sayo, ako ohh
Alay sayo, ako oh
Mananatili ka sa akin
Kahit na 'di 'to bumalik
Pwede mo ko na tawagin
At agad naman ako'y darating
Bakit ba kasi ako nahihirapan
Kasalanan ko ba kung ako'y nagmamahal
Baka kasi parehas tayo ng tinitignan
Pero magkaiba lang ng nakikita
Sayang naman ang walang hanggan
Kung dito mapuputol ang ating pagkakaibigan
Walang wakas, sa 'ting pahina
Kung tayong dalawa lang ang magsasama
Alay sayo, ako ohh
Alay sayo, ako oh
Mananatili ka sa akin
Kahit na 'di 'to bumalik
Pwede mo ko na tawagin
At agad naman ako'y darating
Alay sayo, ako ohh
Alay sayo, ako oh
Mananatili ka sa akin
Kahit na 'di 'to bumalik
Pwede mo ko na tawagin
At agad naman ako'y darating