Wag ka namang ganyan Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Ilang gabi ka ng tahimik
Walang pake sa 'ting paligid
Tila parang nananadya ka na
Nananadya ka
Nakakasakit ka na
Hindi ka na ba masaya (Hindi na)
Kitang-kita ko sa 'yong mata
Na ang nilalaman ng puso mo'y iba
At bakit ganyan ang iyong pinaparamdam
Parang wala ka na sa 'king pakialam
Ang oras ay bumalik ang takbo
Sa simula nung walang ako
Baka pwedeng tingnan mo muna 'ko ng harapan
Patawarin mo kung may nagawang kasalanan
Maghihintay kahit 'di man agaran
Basta 'wag mo lang iwanan
Dinadaanan mo na lang, oah-oh
Nasasaktan mo na 'ko ng hindi mo alam
Parang lumalayo sa 'kin ang loob mo
Gusto mo nang bumitaw, tama ba kutob ko?
Please, 'wag ka namang ganyan ('wag ka namang ganyan)
'Wag ka namang ganyan
Baka pwede pa natin maidaan sa usap 'to?
Dahil nasanay na ako sa piling mo, oh
Pwede ba na alamin problema natin
Pwede ka bang tanungin kung may dapat umamin
Kasi pansin ko ay parang nagkakailangan
Gusto kong malaman ng maayos na lamang
Kasi parang may gulo (Anong nangyari sa atin?)
Ayokong ganito ('wag na natin silipin)
Gusto kong klaruhin mo, may mali ba ako?
Sabihin mo kung ano at puntohin mo ako
'Di ka na ba masaya?
'Yan na ba ang 'yong pasya?
Tanging sarili inisip, nagdesisyon kang mag-isa
Walang pasintabi, may plano ka ba?
Magtapat ka na kaya, yung
Kutob ko parang totoo na
Masyado ka nang masakit manakit
'Di mo nahahalata (Nahahalata)
Sabihin mo kung anong dapat pag-usapan
Nang maitama ko ang aking pagkukulang
Dahil takot na ako'y iyong iwanan
Sana mabigyang pag-asa
Dinadaanan mo na lang, oah-oh
Nasasaktan mo na 'ko ng hindi mo alam
Parang lumalayo sa 'kin ang loob mo
Gusto mo nang bumitaw, tama ba kutob ko?
Please, 'wag ka namang ganyan ('wag ka namang ganyan)
'Wag ka namang ganyan
Baka pwede pa natin maidaan sa usap 'to?
Dahil nasanay na ako sa piling mo, oh
'Wag ka namang ganyan