
Hiram Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Damhin mo ang paligid mo ang sarap lang mabuhay
Tuloy lang sa pinta
Kahit minsan hindi makulay
Mula lang sa sarili mo
Ikaw mismong patunay
Kung konti man ang totoo
Piliin maging tunay
Oh simplehan mo lang wag yung masyadong komplikado
Punan ng positibo ang isipang delikado
Walang mawawala kung maganda ikaka bago
Takbo ng ating buhay tayo may akda ng plano
Simple man ay dapat makontento
Maikli ang buhay habaan ang respeto
Maraming kaibigan hindi yun ang konsepto
Dibaleng bilang lang basta kasama sa proseso
At dahil nga tao lang hindi makailang
Minsan abusado at maraming dahilan
Hawak natin oras pero di natin bilang
Tila'y nalimutan na ang buhay ay hiram
Kaya naman sulitin bawat oras na nandyan
Sabayan ang agos saan man mapa daan
Iwasan ilusyong hatid ng yong nakaraan
Nasa harapan ang di mo dapat lampasan
Lagi lang bukas sa bago na kaalaman
Kung merong gusto ay gagawan ng paraan
Wag madaliin lahat napapag handaan
Habang tumatagal dapat lalong mas tatagan
Basta ba lakasan mo lang nang kapit sa
Hangarin mong dala kahit nakaka ngawit pa
Marami man pasakit o balakid na mada
Daanan ay alam ko naman na malapit na
At dahil nga tao lang hindi makailang
Minsan abusado at walang pakealam
Hawak natin oras pero di natin bilang
Tila'y nalimutan na ang buhay ay hiram
Tao lang hindi makailang
Minsan abusado at walang pakealam
Hawak natin oras pero di natin bilang
Tila'y nalimutan na ang buhay ay hiram
Kung minsan uulan walang pasabi
Hindi naman akma ang panahon satin palagi
Walang silbing saya kung walang puot na mangyayare
Kung walang ulan walang tanim na maani
Sa ating lakbay na oras ating pamasahe
Ala ala't aral pupuno sating bagahe
Piliin lang ang dadalhin kahit hindi marami
Kapit lang mahaba pa naman ang ating biyahe
At kahit pa, san man to dalhin ng panahon
Makuha man hangarin o baka di pa ngayon
Patuloy palawakin, patibayin pundasyon
Hindi makakalimot kung san nag ugat noon
At kahit nga tao lang na di makailang
Minsan abusado at maraming dahilan
Hawak natin oras pero di natin bilang
Tila'y nalimutan na ang buhay ay hiram