
Ilapit ft. Jenny Villanueva & Paul Yadao Lyrics
- Genre:Gospel
- Year of Release:2022
Lyrics
Ilapit ft. Jenny Villanueva & Paul Yadao - Destiny Music
...
Ako, O Diyos, ay Iyong iniibig
Kahit kailan, ito'y 'di magmamaliw
Kahit saan man magtungo, rinig ang 'yong puso
Ikaw lamang ang hanap-hanap ko
Kahit saan himig Mo'y inaawit
Ang buhay, ang puso ko'y laan lamang Sa 'yo
Ilapit Mo ako sa puso Mo, Panginoon ko
Akapin, manahan Ka sa akin, sa akin
Sa piling Mo, ligaya'y walang hanggan
Ang bukas ko ay puno ng pag-asa
Ang nais ko'y kasama Mo habambuhay
Ilapit Mo ako sa puso Mo, Panginoon ko
Akapin, manahan Ka sa akin, sa akin
Ako'y 'di iiwan, pababayaan o bibitawan
Higpit ng 'yong yakap, haplos ng pag-ingat
'Di bibitawan
Ilapit Mo ako sa puso Mo, Panginoon ko
Akapin, manahan Ka sa akin, sa akin
Nadarama ko, higpit ng mga yakap Mo sa akin
O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap
Ang uhaw kong kaluluwa'y tanging ikaw nga ang hangad
Para akong tuyong lupa na tubig ang siyang lunas
Hayaan mong sa santuwaryo ika'y aking mapagmasdan
At ang likas mong kaluwalhatian at kapangyarihan
Ang wagas na pag-ibig mo'y mainam pa kaysa buhay
Kaya pupurihin kita, O Diyos, at pararangalan