Buhay ft. N-Drew Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Ito ang buhay namin
Mga alikabok lamang sa hangin
Pangakong kinapos sa panalangin
Hanggang sa'n ang walang
Hanggang sa'n ang walang hanggan
Mga lason ng kahapon na kailangang maitapon
Gagawa ng panibagong kabanata para sa naglahong
Alaala ng kasanayan, kasabay ng paglubog ng kalayaan at kamalayan
Ay ang mga katawang buhay ang inaabot kaso kamatayan ang nakamayan
Sa dami ng pinaniniwalaan, nakalimutan na kung ano ang mas kailangan
Bukod sa kahirapan na mahirap iwanan
Natutulog sa gitna ng panganib at kaligtasan
Pero ayos lang dahil wala namang makakapigil sa araw-araw na kilos ng maralita
Tsaka lamang matatapos ang lahat ng pagdurusang dinadanas
'Pag di na sila makahinga
Ano'ng pwede mong gawin para sa kanila, subukan mong bigyan ng trabaho
Tapos ang sahod lang na magkano, tatlong araw bago maglaho
Mas mabilis pa sa alas-kwatro, tanungin mo pa kung paano
Sila tumatagal, diyan papasok ang pamemerwisyo ng ibang tao
Sige, pulutin niyo na 'yan, kitang-kita kong siya yung humablot ng wallet niya
Ano, papalag ka pa bang bastardo ka, huling-huli ka na sa kamera
E ano pa bang pagpipilian 'pag ang kalam ng tiyan ay di mabilang
Mabuting mabulok na lang sa kulungan, di rin naman 'yon mapagsisisihan
Ito ang buhay namin
Mga alikabok lamang sa hangin
Pangakong kinapos sa panalangin
Hanggang sa'n ang walang
Hanggang sa'n ang walang hanggan
Kung totoo man ang habang-buhay, kakaumay
Hinahangad na langit ng karamihan ay nasa gulay
Kung ayaw ng madilim, tumikim ng kabute, pampakulay
Pero kung gusto mong magpahaba ng sungay, magpakulo ng bato o talampunay
Bawat pagbalasa, mga kaluluwa'y umaasa sa magandang hanay ng baraha
Bumababa si kristo sa kanyang krus para lamang makitaya sa dalawang kara
Kaso minsan kahit na gaano ka kaangas, iiyak ka rin kapag napagtripan ng malas
Para kang puno na sinisilungan ng marami pero ngayon, lahat ng dahon ay nalagas
Desperado na sa pagkakabusog
Hindi na napansin na may nakaturok na lason sa mansanas
Pero sa kabila ng mga malagim na desisyon ay nagawa pa rin nila na makatakas
Malupit magtakip ng baho, parang mga graba sa simentong hinalo
Balewala lahat ng bumangga sa kapal ng mga kasalanang itinago
'Pag di marunong makuntento
Kahit kelan ay hindi makakamit ang pagiging kumpleto
Maliban na lang kung isa ka sa mga pobre na ang buhay
Kalahati ng isandaang porsyento
Pwede kang sumugal, pwede ring hindi
Sa huli, sa isang pintuan lamang ang diretso
Do'n mo malalaman na wala palang premyo
At walang daan na palabas ng impyerno
Ito ang buhay namin
Mga alikabok lamang sa hangin
Pangakong kinapos sa panalangin
Hanggang sa'n ang walang
Hanggang sa'n ang walang hanggan
Puro pagdurusa, puro pagdurusa na lang
Pera'y paubos na, pera'y paubos na naman
Dami nang panahong dumaan, gano'n pa rin ang mundo
'Pag nakausap mo 'yang diyos niyo, pakisabi na hindi ko 'to ginusto!