Anekdota ft. Enzon Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2021
Lyrics
Daming pasikot sikot
Dito sa mundong ito
Minsan na ring
Naligaw at nalito
Kung di matibaw ang dibdib
Umuwi ka boy
Bawal ang mahina dito
Shooo
Tinataboy
Malate ang lugar na kinamulatan
Musmos pa lang
Sagad na sa karanasan
Diskarte usok alak droga puta
Nalimutan ko na nga
Meron pa palang problema
Nakapasan sa likod
Ako'y litong lito
Hihinto ko na ba
Pero gusto pa rin to
Pamilya sa likod
Di nilingon mali akala ko
Sila ang tunay na kakampi
Sa bawat laban ko
Kaya naman ngayon
Ako naman magbabalik
Ina kapamilya tropa
Pati na rin kapatid
Sila tunay na kumuha
Sakin nung nagkamali
Kaya umasa ka
Sa muli kong pagbabawi
Sa huli ang pasasalamatan ko ay ikaw
Yung dating bugnutin at laging pasigaw
Barumbado at bastos
Lahat yun binago mo
Tinanggap mo na buo
Kung ano at sino ako
Marami man akong mali
Pero ikaw yung tama
Pagibig pa rin nagwagi
Sarap ng tama
Sulitin bawat sandali
Kayo kasama
Di pa naman diba huli
Salamat Ama
Sa taon ng tandang
Ang tinakdang kapanganakan
Simpleng kabuhayan
Kinamulatan
Kinasanayan
Pinaglawakan
Kinamalayan
Tumakbo madapa aking naranasan
Hindi pinagbuhatan
Ang syang matuwid
Yun lamang ang pinaglalaban
Aking palaruan
Ang buong Don Galo
Dito na nagkasungay
At tumarantado
Simulang tumayo
Biglang tumakbo nagpakahapo
Tila nga't nalito sa kakaliko
Naligaw na pala ko
Nasawi sa pagibig
Madalas masaktan
Sa mali napahilig
Nasilaw sa karangyaan
Bote ng alak
Saking magkaliwa't kanan
Hindi na maawat
Sarili ko mismo'y
Di ko na matagpuan
Pero di pa pala tapos
Si Ama sa akin
Konting kurot
Natuto ulit akong manalangin
Syang nagpabago sakin
Handog mula sa langit
Si Ulap na sagot
Sa bawat ko na panalangin
May mga lilisan
May mga darating
Normal ang kamalian
Sa bawat gagawin
Iyo lang pang gigilan
Hanggang sa maatim
Lingon sa likuran
Saan ka man makarating
Salamat kapamilya
Kaibigan kapatid
Sa pagtapik
At sa suporta nyong walang patid
Sa kadaupang palad ko
At mga kababata
Hanggang sa susunod kong kabanata
Kita kita