![Likha](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/04/30/012b23b75ef54dba97a16a55160682ed_464_464.jpg)
Likha Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2021
Lyrics
Nakikita mo ba ang 'yong kapaligiran punong-puno ng dusa
Ang ating mga kabayan napapadpad sa ibang bansa
Di ba natin ninanais ang ating lahi bumangon na sana
Ngunit itong pangarap na kinakarga sa atin magsisimula
Mulat ang 'yong mga mata
Ang bukas ay may dalang pag-asa
Bangon, ika'y gumising na
Tinatawag ka ng langit lumikha
Likha… likha
Nakikita mo ba ang 'yong pagkakataong ibangon ang Inang Bayan
Hindi ba tayo ang tinuturi bilang lupang hinirang
Sama-sama, padayon, bawat Pilipino
Iangat ang lahing kayumanggi, saan mang dulot ng mundo
Mulat ang 'yong mga mata
Ang bukas ay may dalang pag-asa
Bangon, ika'y gumising na
Tinatawag ka ng langit lumikha
Likha… likha
Ibangon Pilipinas
Imulat ang iyong mga mata
Tinatawag kang lumikha