
PUYAT Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2024
Lyrics
Pare ako ay puyat
Wag mo ako gambalain
Tapat mo man sakin sinong sikat
Madalas ko silang pagapangin
Sa bara ko lang nagbawas ng bigat
Mataba pa rin sa kakakain
Kahit na di lumabas ang aking ugat
Ang respeto mo sakin hinain
Ako ang punto at dulo ng mga bangungot mo tropa sa bawat gabi
Ako ang aninong di matakasan hanggang sa tuluyan kang maging labi
Ako ang kwadradong kinakahon ka habang ikaw naman ay pinuputakte
Kung di mo tanggap alam ko na kung sino sa atin mahilig magkunwari
Ssshhh sige pare tulog ka na lang
Yung hangad mong shawty sa akin nag-abang
Well, tropa sige sorry ako laging lamang
Ano aking gagawin ako ang nabansagang
Yeah I'm a bar spitter
I'm a hard hitter
Yeah I'm light skin but I'm still a dark, what?
Sakin mo tutok, sakin lang may kalidad
Ating galing ang may agwat hindi edad
Wooh! layo natin pare wag ganun
Wag mo nang ipagpilitan sakin ang sitwasyon
Tangina saan ba yang tukoy mo na dimensyon
Magtawag ka man kahit sinong panginoon
Nawalan ako ng hininga
Pero ikaw yung nakahiga
Pinagdasal naman na kita
Rap in peace ang nakatalaga
Di ko pa nga lubos piniga
Ayaw kita na mataranta
Kulang pa yang buntong-hininga
Baka tuluyan magpahinga
Sige pare tulog ka na lang
Yung hangad mong shawty sa akin nag-abang
Well, tropa sige sorry ako laging lamang
Ano aking gagawin ako ang nabansagang
Tol wag ka maghanap ng kakampi na pang-sagang
Saan na yung tapang mo nung mag-isa kang umakmang
Susugod akala mo talaga di mukhang timang
Di lagi ang mag-tapang ang tamang hakbang
Oh God, ano tong kulay pula
Patawarin mo ako lahat sila tinabla
Pilit ko mang ipikit ang aking mga mata
Sa lamay lahat sila sama-samang niluksa
Pah pah! Lahat sila binaril
Pag tinanong mo kung bakit
Sagot ko lang para thrill
Di ko na kasi problema na magbayad pa ng bills
Ang libangan ko na lang ngayon ay pumirma ng deals
Sige pare tulog ka na lang
Yung hangad mong shawty sa akin nag-abang
Well, tropa sige sorry ako laging lamang
Ano aking gagawin ako ang nabansagang
Di ka pa nakarinig ng ibang klase na flow
Kaya kong paangatin yung ego niyong sobrang low
Di ko na kelangan pang sabihin sa inyo na yo!
Pag ninamnam niyo aking aura sasabihin niyo ay bro!
Sino ba tong g-a-g-o na 'to kala mo kung sino
Mga bara binabalasa lang kala mo casino
Linis trumabaho kala mo kampon ni Al Pacino
Walang makapalag kala mo may kilalang padrino
Laging merong hits akala mo mukha ni Margarito
Ako ang bago na yayanig sa bawat Pilipino
Yaan mong mga bara ko huhukom Poncio Pilato
Di lang puro sabi to, hindi naman ako gobyerno