Huminga Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2024
Lyrics
Pinilit kong tingnan sa positibong pananaw
humihigpit lang 'pag paikot-ikot ang galaw
Regalo sa 'kin ang kalayaan kong sumayaw
Taksil ba 'ko sa buhay kung sakaling umayaw
Sa bawat hakbang na pinakakawalan
Pag-aalalang umaabot ng daan-daan
Nag-aabang ang dalawang paang
Handang magpalamangan para lamang mahagkan
Nasa dulo ng hagdan, mali ang natamasa
Tagal ding naniwala na pag-ibig ang pag-asa
Isang galit na karma ang naghatid ng tasa
Kahit pa magpapalit ng inumin, sa pagbalik, gano'n din ang pait ng lasa
Ilang gabing puyat ang tinagal
Pinaglalaruan ang katotohanan
Nagising na lang no'ng ako na ang sinampal
Ng ating maykapal, ito ang palaging dasal
'Wag mo 'kong kalimutan
Kahit marami pa sa 'ting mag-iba
'Wag mo 'kong kalimutan
Dahil ayokong masanay mag-isa
Kumpleto na ang utang
Kung merong pagkukulang
Kuntento at handa na 'kong maglaho nang tuluyan
Palayain ang sariling gunita
Manatiling huminga
Kailangang sagutin ang katanungan
Wala bang may alam sa 'king tunay na katayuan
Nagpaalam sa magulang, patawad sa kabiguan
Nakalutang na lamang nang buksan na ang pintuan
Natauhan, pagdilat, ako ay nandito pa rin
Palipat-lipat dahil basa ng luha ang sapin
'Yon nga ba ang eksenang nais kong iparating
Malagim na trahedya ang temang naatim
Bahagi ng pagbabakasali ang sumuko
Tulad ng gusaling di mawari kung malapit nang gumuho
Hudyat na kung saan-saan lang nakaturo
Nakakapanlumo ang pagpanaw ng ugat ng puno
Panandalian lamang ang katahimikan
Sa isipan, di magkarinigan, di man
Nila 'ko iwan, ako na lang ang siyang lilisan
Paalam, daigdig, ang nakasulat sa 'king liham
'Wag mo 'kong kalimutan
Kahit marami pa sa 'ting mag-iba
'Wag mo 'kong kalimutan
Dahil ayokong masanay mag-isa
Kumpleto na ang utang
Kung merong pagkukulang
Kuntento at handa na 'kong maglaho nang tuluyan
Palayain ang sariling gunita
Manatiling huminga
Ang hirap pag-usapan ng pagdadalamhati
Mga pinaglumaang naiwan ng may-ari
Pikit-matang lumaban hanggang sa makabawi
Sa nabuong sumpaang tuluyan nang nabali
Gaano katagal na panahon bago masanay
Kung malalaking alon ng alaala ang karamay
Na nakapangalan sa mga maliliit na bagay
Na laging nakaantabay sa bawat sulok ng bahay
Lamig at init, sa panaginip ay may hintayan
Sabay matulog ngunit sa magkaibang himlayan
Kapayapaan patungo sa dulo ng hidwaan
Hindi kahinaan ang pagsuko sa digmaan
'Pag tapos na ang lahat ay gigisingin ng liwanag
Tumingin lang sa malayo, makikita rin ang dagat
Pulutin ang sarili mula sa pagkabasag
Dito na lang manatili habang ika'y kayakap
'Wag mo 'kong kalimutan
Kahit marami pa sa 'ting mag-iba
'Wag mo 'kong kalimutan
Dahil ayokong masanay mag-isa
Kumpleto na ang utang
Kung merong pagkukulang
Kuntento at handa na 'kong maglaho nang tuluyan
Palayain ang sariling gunita
Manatiling huminga