Unsaid Feelings Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2024
Lyrics
Ano ba ang gagawin ko
Isipan ko'y gulong gulo
Di naman ako ganto
Pero pakiramdam ko ako ay nahuhulog na sayo
Pano ba sayo aamin
Parang hirap mo rin na basahin
Ano na sadyang ganyan ka ba talaga
Oh baka naman hindi ako para sayo meron na atang nauna
Alaala nating dalawa
Naaala sa tuwing ako ay mag-isa
Sa gabing madilim sa aking kama amats ko'y lumalala
Laging iniisip kong ano ba tayong dalawa
Mga araw na kasama ka
Yakap mo't halik nagbibigay sigla
Grabi rin kahit gabihin di na yon mahalaga
Boses mong malambing sakin nagpapasaya
Pero sabi mo hindi ka pa handa
Ayos lang ako rin naman parang may kaba
Takot ng magumpisa yoko nang mapunta sa wala
Sa panahon ngayon parang ang hirap narin magtiwala
Ikaw aking pahinga
Yeah yeah
Kung alam mo lang ika'y mahalaga
Akala ko ikaw na yung gamot
Sa mga dala ko na lungkot
Pero parang di ko yata maabot
Di ka naman sakin pero parang gusto na ata kitang ipagdamot
Ano ba kasing meron sayo
Puso kong bato lumalambot sayo
Bakit ganito mundo ko na magulo
Biglang nagkakakulay sa tuwing ikaw na yung kasakasama ko
Pag-ibig nga ba o nalilito?
Di ko rin masabi kong ano ba to
Sobrang magulo sa tuwing kailangan mo ako
Hindi nagbibiro anjan agad agad naman ako
Laging hinahanap ka
Ikaw parin naman walang iba di pa ba na halata
Kahit na hanggang kaibigan lang ang pagtingin mo sakin
Kung alam mo lang sa buhay ko ika'y mahalaga
Pero sabi mo hindi ka pa handa
Ayos lang ako rin naman parang may kaba
Takot ng magumpisa yoko nang mapunta sa wala
Sa panahon ngayon parang ang hirap narin magtiwala
Ikaw aking pahinga
Yeah yeah
Kung alam mo lang ika'y mahalaga