
Maskara Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2024
Lyrics
Ngumiti ka na
Kukuhanan ka na ng litrato
'Wag umiyak
Baka luha mo'y tutulo
'Wag mong tanggalin
Ang iyong maskara
Kung nais mong manatili
Ang ngiti sayong mukha
Panatilihin mo lang
Ang pagsuot ng maskara
Kung ayaw mong makita nila
Ang tunay mong nadarama
Baka sila pa'y magambala
Araw ay lumubog
Oras naman ng kapanglawan
'Wag mong ipaparinig
Ang iyong pagtangis
'Wag mong ipaalam sa kanila
Ang sarili mong pananaw
Mauuwi lang din naman
Ito sa pagdedebate
Kaya't panatilihin mo lang
Ang pagsuot ng maskara
Kung ayaw mong makita nila
Ang tunay mong nadarama
Baka sila pa'y magambala
'Wag mong ibubunyag
Ang mukha sa likod ng maskara
Panatilihin mo lang
Ang pagsuot
Kung ayaw mong makita nila
Ang tunay mong nadarama
Baka sila pa'y magambala