Soup no. 5 Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2023
Lyrics
Pakadami ng mga tao na mapang mata
Labas sa tenga kahit lagi pang pinupuna
Walang mawawala kung susubukan mo diba
Ganyan lang talaga laging uulit ka sa umpisa
Di na bale na maunahan ka ng iba
Ang mahalaga naman diba ikaw ay masaya
Kahit di ka sigurado kung saan mapupunta
Tuloy tuloy parin kahit ubos na ang tinta
Di na papadala sa sinasabi ng iba
Gagawa ng katha, ng sining, ng obra
Pangarap na matayog
Sinasamong tunog
Isisigaw Di na maliligaw
Minimithi'y abot na ng tanaw
Di magiisa giliw
Sasabayan ang saliw
Ang tinig, ang himig
Ang tono sa dibdib
Minsan hindi sumasangayon ang taon
Minsan mahirap abutin kasi malalim ang balon
Pero hindi parin sinayang bawat pag kakataon
Makupad man ang pag andar na para bang isang pagong
Alam kong kahit marami pang pagsubok dumating
Babalewalain hanggang ang tuktok ay marating
Tuloy tuloy lang sa byahe kahit abutin ng dilim
Walang makakapigil kahit matarik aakyatin