![Yung Kantang Tungkol Sa'yo](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/03/12/ee4a3ef45e56496b973b080176bed46b_464_464.jpg)
Yung Kantang Tungkol Sa'yo Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2023
Lyrics
Palagi kitang pinagmamasdan at
Anghirap-hirap paring paniwalaan
Na sa libo-libo ng tao sa mundo
Sa akin niregalo ang 'sang tulad mo
Walang sirang araw na di lumiliwanag
Pag ako'y luhaan ay di ka pumapayag
Walang kalungkutan na di mo napapawi
'Pag sa yakap mo umuwi
Alam ko, alam ko ako'y para sa'yo
Na ang bawat daan ay patungo sa'yo
Na ako'y nilikha upang nang isang araw
Tayo ay magkatagpo
Ang sabi nila lahat ng pagsasama
Sa umpisa lang, pagtagal ay nagsasawa
Ako'y siguradong iba ang meron tayo
Dahil lalo akong umiibig sa'yo
Alam ko, alam ko ako'y para sa'yo
Dahil bawat pagmulat ko ng mata ko
Ang makita kita na nasa tabi ko
Parang akin ang buong mundo
Alam mo, alam mo may isang tao
Na ang bawat dasal ay ang makasama mo
Habang buhay, araw-araw may
Magmamahal sa'yo