![Ikaw Pa Rin](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/10/02/07aaa006345a42409b729c610ace85f2_464_464.jpg)
Ikaw Pa Rin Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2023
Lyrics
Lalakbayin nating dalawa
Kakayanin sa hirap at ginhawa
Tadhana ma'y hindi makisama
Ikaw pa rin
Anong magagawa kung nais kitang mahalin
Narito ako sumapit man ang dapit-hapon ng ating buhay
Malaya man ang agos ng oras
Pagmamahal ko'y 'di kukupas
Matayog man ang aking pangarap
Kasama ka
Lalakbayin nating dalawa
Kakayanin sa hirap at ginhawa
Tadhana ma'y hindi makisama
Ikaw pa rin ang aking yayakapin
Ang makita ka sa isipan ay 'di nakakasawa
Ngipin ma'y tuluyang malagas
Puso'y panatiling kakaripas
Matayog man ang aking pangarap
Kasama ka
Lalakbayin nating dalawa
Kakayanin sa hirap at ginhawa
Tadhana ma'y hindi makisama
Ikaw pa rin ang aking yayakapin
Kung akoy mawala't mabuhay muli
Hahanapin kita upang tayo pa rin sa huli
Lalakbayin nating dalawa
Kakayanin sa hirap at ginhawa
Tadhana ma'y hindi makisama
Ikaw pa rin
Ikaw pa rin
Ikaw pa rin
Ang aking yayakapin