
Gising Mga Pinoy Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2023
Lyrics
Dugong Maharlika
Lahing kayumanggi
Bayang ipinaglaban
Ng maraming bayani
Ang puso ay busilak
Perlas ng Silanganan
Huwag mo lang aapihin
At sisiklab ang damdamin
Rebolusyon ay nagsimula
Panahon pa ng Kastila
Ngunit ito'y muling naulit
Doon sa dako ng EDSA
'Di ba tayo ay tumutol
Napasiil sa diktadura
Kaya't ating ipinaglaban
Mabawi ang demokrasya
Gising mga Pinoy
Ang lahat ay hindi pa huli
Iisa ang ating bayan
Huwag ipasakop na muli
Gising mga Pinoy
Ang lahat ay hindi pa huli
Bansang ipinaglaban
Huwag ipasakop na muli
Mga isla sa Kanluran
Sakop ng ating karagatan
Balita'y mayrong umaagaw
Matang singkit na mga dayuhan
Ano nga ba ang dahilan
Bakit ito ay napayagan?
Pati dukha nating kababayan
Naaagawan ng kabuhayan
Gising mga Pinoy (Hoy!)
Ang lahat ay hindi pa huli
Iisa ang ating bayan
Huwag ipasakop na muli
Gising mga Pinoy (Hoy!)
Ang lahat ay hindi pa huli
Bansang ipinaglaban
Huwag ipasakop na muli
Gising mga Pinoy (Hoy!)
Ang lahat ay hindi pa huli
Iisa ang ating bayan
Huwag ipasakop na muli
Gising!