
Dangal Ng Bulag Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2023
Lyrics
Salamat, o Bathala
Sa tanging handog mong
Mga awit at musikang
Nagpakulay sa 'king mundo
'Di man masilayan
Sinag ng araw at ng buwan
Madilim ma't basta may musika
Ito'y sapat na sa 'king buhay
Liwanag na 'di mabanaag
Tenga ko lang ang aking gabay
Paligid ma'y 'di ko makita
Dinig naman ang bulung-bulungan
May dangal pa raw ang isang bulag
At may malinis pang budhi
Kaysa nagbubulag-bulagang
Mata ay may tapal na salapi
Kahit anong pagsubok
Unos man o bagyo
Musika ang tanging
Siyang kapiling ko
Maglaho man sa akin ang lahat
Ng mga bagay sa mundo
Basta't mayron lang musika
Na tanging handog mo
Liwanag na 'di mabanaag
Tenga ko lang ang aking gabay
Paligid ma'y 'di ko makita
Dinig naman ang bulung-bulungan
May dangal pa raw ang isang bulag
At may malinis pang budhi
Kaysa nagbubulag-bulagang
Mata ay may tapal na salapi
Kahit anong pagsubok
Unos man o bagyo
Musika ang tanging
Siyang kapiling ko
Maglaho man sa akin ang lahat
Ng mga bagay sa mundo
Basta't mayron lang musika
Ito ang tanging handog mo