
Panaginip Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2023
Lyrics
Ako ay may panaginip
Tungkol sa bayan natin
Maganda raw at tahimik
Hindi ka gugutumin
Walang mayaman, mahirap
Pantay-pantay ang hustisya
Lahat ng tao'y maligaya
Wala ng hahanapin pa
Kahit saan na tayo magpunta
Wala ka ng dapat ipangamba
Tahimik at malinis ang paligid
O kay ganda ng bayan natin
Sana panaginip kong ito'y totoo
Halina, kabayan, sama-sama tayo
Kung sa panaginip lang tayo magbabago
Ay huwag na tayong gumising
Kahit saan na tayo magpunta
Wala ka ng dapat ipangamba
Tahimik at malinis ang paligid
O kay ganda ng bayan natin
Sana panaginip kong ito'y totoo
Halina, kabayan, sama-sama tayo
Kung sa panaginip lang tayo magbabago
Ay huwag na tayong gumising
Malayo sa katotohanan
Panaginip lang yan
Malayo sa katotohanan
Panaginip lang yan